Advertisers
Ni Anne Venancio
Emosyonal na nagkuwento si Angelica Jones tungkol sa kaniyang anak na si Angelo at sa ama nito sa kaniyang pagharap sa Fast Talk with Boy Abunda.
Ayon kay Angelica, ilang beses na niyang hiniling sa dating partner na kilalanin si Angelo. Sumulat na rin umano ang kaniyang anak sa ama nito.
Dalawang beses ding naospital si Angelica kaya humiling siya sa ama ni Angelo na sana ay kilalanin ang kanilang anak kung sakaling may mangyari sa kaniya.
Sinabi niyang maaaring maraming dahilan kung bakit hindi pa ito nangyayari. Hindi rin niya nais na magsampa ng kaso laban sa ama ng kaniyang anak.
Sa kabila nito, sinabi ni Angelica kay Angelo na ama pa rin nito ang lalaki anuman ang mangyari.
Inamin din ni Angelica na niligawan siya ni Sherwin Gatchalian noong 22 anyos lamang siya.
Hiniling niya kay Angelo na huwag nang tingnan ang buhay ng ibang tao sa social media at sa halip ay magpokus sa kanilang pamilya at sa kaniyang pag-aaral.
Nag-iwan din siya ng mensaheng puno ng pagmamahal para sa anak na malapit nang magdiwang ng kaarawan sa Setyembre 7.