DILG SEC AT OMBUDSMAN REMULLA IMBESTIGAHAN NYO RIN ANG MGA NAKA PAYOLA SA ‘JUETENG’ SA ORIENTAL MINDORO
Advertisers
NAKATUTOK lagi ang DILG at Ombudsman sa impeachment ni VP Sara Duterte at Flood Control issue ang magkapatid na Remulla. Dapat tutukan at imbestigahan din nila ang isang maimpluwensiyang pulitiko na nasa likod ng ng dekada ng operasyon ng jueteng sa Oriental Mindoro.
Lumalabas kasi na parang walang silbi ang batas laban sa illegal gambling dahil mula nang amyendahan ang Presidential Decree (PD) 1602 noong 2004 ay wala pang naipakulong na mga gambling operator/lord at protector kahit lantad ang presensya ng iligal na sugal na jueteng particular sa Oriental Mindoro na sinasabing protektado ng maimpluwensyang pulitiko na malakas diumano sa Malacañang.
Matatandaan sa naging pagdinig ng House Committee on Public Order and Safety, hindi naitago ng ilang Kongresista ang kanilang pagkadismaya na sa kabila ng mataas na penalty sa gambling operators at sa mga protector na politiko at police official, ay wala pang nakukulong kahit lantad na lantad ang pangungubra ng taya ng mga kubrador ng jueteng.
“Mabigat ang batas na ito, ‘yung Republic Act (RA) 9287, ang tanong sa PNP (Philippine National Police) at NBI (National Bureau of Immigration), meron na ba tayong naparusahan sa batas na ito na itinaas na natin ang penalty ng mga perpetrators ng illegal gambling meron na ba tayong naipakulong?” tanong ng ilang Kongresista.
Ipinaliwanag din ng ilang mambabatas na miyembro ng House Committee on Public Order and Safety ang nasabing batas na pinirmahan ng dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, na ang mga mananaya ay maaaring makulong ng hanggang tatlong buwan, habang 10 taong pagkabilanggo naman sa mga protektor.
Walong (?? taong pagkabilanggo naman sa mga tauhan ng gambling operator/lord at kukumpiskahin ang bahay, gusali, sasakyan na ginagamit sa operasyon ng ilegal na sugal.
Makukulong din ng hanggang 12 taon ang maintainer, manager at operator ng ilegal na sugal; hanggang 14 taon naman sa mga financier o kapitalista at 20 taon sa kanilang mga protektor sa gobyerno.
Kapag public officials anila, elected man o appointed, ay tatanggalin sa puwesto at hindi na papayagang pumasok sa public service.
Ilang dekada na ang nasabing batas ngunit wala pang gambling operators/lord at protektor ang naipakukulong sa kabila ng pag-amyenda sa PD 1602 na nagtaas ng parusa sa mga sangkot sa ilegal na sugal na ilang dekada ng talamak sa Oriental Mindoro.
Sa bigat ng parusang ito bakit hindi natatakot sina Gov. Humerlito ‘Bonz’ Dolor, Oriental Mindoro Provincial Director PCol Edison Revita at PRO MIMAROPA Regional Director PBGen. Christopher Dela Cruz?
Matatandaan na sa manifestation ng nooy House Deputy Majority Leader na ngayon ay Chairman ng Senate Blue Ribbon Committee na si Erwin Tulfo, na nais nitong ipatawag ang lahat ng Gobernador at regional director ng PNP para sa nasabing imbestigasyon subalit hindi ito natuloy.
Lahat ng aktibidad na may kaugnayan sa pagsusugal o pagtaya gamit ang pera ay mahigpit na ipinagbabawal alinsunod sa PD 1602 na inamyendahan ng RA 9287.
Ayon sa sumbong mismong ang maimpluwensiyang pulitiko sa Oriental Mindoro ang diumanoy tumatayong Bangka ng jueteng na pino-protektahan ng ilang tiwaling opisyal ng PNP at NBI na nais nilang maimbestigahan nina DILG Sec. Jonviv Remulla at Ombudsman Boying Remulla dahil mismong mga opisyal ng lalawigan ang bumabalewala at bumababoy sa PD 1602 at RA 9287.
Anila, milyong piso ang diumanoy kubransa ng jueteng kada araw mula sa labing apat na bayan at isang siyudad sa Oriental Mindoro ang nabubulsa ng maimpluwensiyang pulitiko na malakas diumano ang kapit sa office of the president na sumusuporta noon sa kandidatura ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang diumanoy may hawak ng “gambling operation” sa Oriental Mindoro.
Habang isinusulat natin ang isyu ng illegal numbers games – 02-39 ang tumama kahapon ng tanghali Setyembre 9, 2026 at 01-06 naman kagabi.
Nananatiling talamak ang presensiya ng lantarang sugal sa nasabing lalawigan na hindi bulgar ang milyon o bilyon ang kita sa jueteng kung ikukumpara sa kickback na nakukuha ng mga contractor at DPWH officials sa maanomalyang flood control projects na mainit na pinag-uusapan ngayon lalo na ang malawakang baha at ang impeachment.
Take Note: Hindi lang jueteng ang talamak sa AoR ni Gov Dolor, Gen. Dela Cruz at Col Revita kundi maging ang mga Peryahan na pulos sugal tulad ng ‘color games at drop ball baraha’.
Tutukan natin!
***
Anumang reaksyon o suhestiyon itext sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email balyador69@gmail.com