Advertisers

Advertisers

Mabilis na aksiyon ng DPWH Rizal 2nd DEO vs Habagat ikinatuwa ni Secretary Dizon?

0 5

Advertisers

Malamang sa malamang hindi puwedeng hindi matuwa itong si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon sa mabilis na pagaksiyon ng kanyang mga tauhan ng Rizal Provincial 2nd District Engineering Office sa pamumuno ni District Engineer (DE) Juan “Johnny Panganiban dahil sa pananalasa ng Bagyo at Habagat sa nasabing Lalawigan.

Maging hanggang sa ngayon mga Ka Usapang HAUZ hindi tumitigil ang mga tauhan ni DE Panganiban sa pagsasaayos ng mga nasirang istraktura partikular ang mga kakalsadahan at sinasamantala ang pagganda ng panahon.

Ito ang maganda mga Ka Usapang HAUZ matapos na isagawa ng (DPWH) Rizal 2nd District Engineering Office ang masusing pag-aaral kasabay ng pag-inspeksiyon sa gumuhong bahagi ng flood control dike, River Side sa Bayan ng Montalban Rizal kaugnay sa walang hintong pagulan dulot ng Habagat ay natunton ang sanhi ng pagguho.

Sa pamamagitan ng pinagsanib na kaisipan ng mga Section Chief at nina DE Panganiban natunton ng mga ito ang sanhi ng pagkawasak ng dike, itinayo pala ito noong 2015 pa at pinaniniwalaang hindi na kinaya ng ilang bahagi nito ang matinding bugso sa lakas ng tubig baha kaya ito bumigay.

Nabatid na ang gumuhong flood control system ay ginawa taong 2015 na pinondohan at dinisenyuhan ng Local Government Unit ng Montalban kung saan napagalaman na pawang “Stone Masonry” ang inilagay kung kaya’t sa tagal ng panahon ay gumuho ito ng rumagasa ang baha.

Kaya’t agad inatasan ni DE Panganiban ang Planning and Design Section sa pamumuno ni Engr. Angie Lapitan para siguruhing tama ang disenyo at tibay ng gagawing pagkukumpuni sa nasirang flood control system.

Sinasamantala mga Ka Usapang HAUZ ang ganda ng panahon ng mga tauhan ng Construction Section sa pangunguna ni Engr. Benjie Amansec sa pagbabaon ng mga steel sheet file sa lugar upang siguruhin ang tibay ng proyekto.

Nais kamustahin ng mga Ka Usapang HAUZ kung na release na ang karagdagang pondo para sa rehabilitasyon ng mga nasira ng Habagat partikular sa Bayan ng Montalban matapos na maghain ng request ang Rizal 2nd District DEO.

Ito pa mga Ka Usapang HAUZ, kung bakit dapat matuwa itong si Sec. Dizon sa pamunuan ng DPWH Rizal 2nd DEO ganito po iyon, nasa kasagsagan ng buhos ng malakas na ulan dulot ng Habagat ng magkaroon ng Landslide sa Bayan ng Morong dakong 7:00 ng umaga kamakailan kaya dapat lang na purihin ang mga tauhan nito.

Sa Kahabaan ng Marikina Infanta Road KM-44-000 na sakop ng Brgy Pinugay Morong Rizal na daanan patungong Laguna at Quezon pabalik ng Antipolo-Marikina-Manila, walang makakadaan maski maliliit na sasakyan.

Wala pang halos 1 hour mga Ka Usapang HAUZ ay narating agad ng Rizal 2nd DEO ang lugar kung saan mabilis ang ginawang pagkilos sa Landslide kung saan nagbigay rin agad ng anunsiyo ang tanggapan ni DE Panganiban para sa gagawing re-routing kaya suma total wala pong na estranded na mga biyahero sa naganap na Landslide sa Morong.

Samantala, kaugnay naman ng gumuguhong bahagi ng Manila East Road sa Sitio Malihim, Barangay Halayhayin sa Pililla, Rizal, isinagawa na umano pagpapalit ng culvert sa ilalim ng kalsada.

Ayon kay Engr. Catherine Tamayo, hepe ng Maintenance Division ng Rizal 2nd DEO, tuloy-tuloy ang pakikipag-ugnayan ng DPWH sa lokal na pamahalaan ng Pililla upang matugunan ang problema sa lugar.