Advertisers
PUMALAG ang House Prosecution Panel sa pahayag ni Vice President Sara Duterte na ang totoong drama ay ang paghahain ng impeachment laban sa kanya nang walang ebidensya.
Giit ni House prosecutor at Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon, si VP Sara mismo ang gumawa ng mga ebidensya laban sa kanya.
Giit ni Ridon, hindi simpleng pamumulitika ang mga kaso laban sa bise-pre-sidente lalo’t sa kanya rin nanggaling ang statements, utos sa paggastos ng confidential funds, at mga dokumentong naglalaman ng yaman ng kanilang pamilya.
Bunsod nito ay hinamon ni Ridon si VP Sara na humarap sa Impeachment Trial para makita niya mismo ang mga ebidensyang ipinipresenta ng prosecution na magpapatunay sa mga kinakaharap niyang alegasyon at mga paglabag nya sa Konstitusyon.