Advertisers

Advertisers

BIR, inalis na ang VAT sa system loss charge ng electric bills

0 6

Advertisers

TINANGGAL na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang Value-Added Tax (VAT) sa allowable system loss charge ng mga kuryente, ayon sa Revenue Memorandum Circular (RMC) No. 97-2026 na ipinalabas nitong Lunes, Setyembre 14 sa ilalim ng pamumuno ni Commissioner Charlito Martin R. Mendoza.

Sa ilalim ng naturang circular na nagpapatupad sa ERC Resolution No. 26, Series of 2026, idineklara ang allowable system loss charge bilang isang government-mandated pass-through cost na hindi na isasama sa gross sales para sa VAT computation, kaya hindi na ito papatawan ng output VAT at creditable withholding sa VAT.

Sinabi ni Commissioner Mendoza, ang hakbang na ito ay alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Finance Secretary Frederick Go na magpatupad ng mga praktikal na solusyon upang maibsan ang pasanin ng mga mamamayan sa mataas na presyo ng bilihin at singil sa kuryente.



Paliwanag ng BIR, upang maging prayoridad ang transparency, kinakailangang ihiwalay at malinaw na ipakita ang allowable system loss charge sa mga billing statement at invoice ng mga generation companies, National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), distribution utilities, at mga electric cooperatives.

Siniguro ng pamunuan ng BIR na bagama’t hindi nito masosolusyunan ang buong problema sa mataas na singil sa kuryente, ang bawat pisong mababawas sa resibo ng mga consumer ay malaking tulong sa pang-araw-araw na gastusin ng bawat pamilyang Pilipino.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">