Advertisers

Advertisers

Net Worth ni VP Sara lumago ng higit P91-M mula 2007 hanggang 2025

0 5

Advertisers

MAKIKITANG malaki ang naging pagbabago sa idineklarang net worth ni Vice President Sara Duterte batay sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) mula nang una siyang pumasok sa politika bilang Vice Mayor ng Davao City noong 2007.

Taong 2007, idineklara ni Duterte ang net worth na P7,250,497.00. Makalipas ang isang taon, matapos ang kanyang unang taon bilang vice mayor, higit itong dumoble at umabot sa P18,493,616.65 noong 2008.

Noong 2009, bahagyang bumaba ang kanyang idineklarang net worth sa P18,281,264.65. Muli itong bumaba noong 2010–2011 at umabot sa P14,271,148.45.



Pagsapit ng 2012, nang magsilbi naman si Duterte bilang alkalde ng Davao City, tumaas ang kanyang idineklarang net worth sa P22,116,101.93. Patuloy itong lumaki sa mga sumunod na taon.

Nang makapasok si Duterte sa pambansang politika bilang Vice President ng Pilipinas, umabot sa P71,508,841.00 ang kanyang idineklarang net worth noong 2022. Bahagya itong tumaas sa P77,508,841.00 noong 2023 at umabot sa P88,512,370.22 noong 2024.



Noong 2025, nadagdagan pa ng P10,143,760.98 ang kanyang net worth, na umabot sa kabuuang P98,656,131.20.

Sa kabuuan, batay sa mga halagang nabanggit, P91,405,634.20 ang itinaas ng idineklarang net worth ni Duterte mula 2007 hanggang 2025.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">