Advertisers

Advertisers

Korte Suprema inatasan ang Kongreso magpasa ng batas kontra ‘political dynasties’

0 5

Advertisers

INATASAN ng Korte Suprema ang Kongreso na magpasa ito ng kaukulang batas kontra sa ‘political dynasties’ sa Pilipinas.

Sa naganap na En Banc Session ng Korte Suprema, idineklarang dapat tuparin ng Kongreso ang nakasaad sa probisyon ng Article 2, Section 26 ng Konstitusyon.

Kasama anila sa mandato ng Kongreso na gumawa ng batas na nagbabawal sa pagkakaroon ng ‘political dynasties’ sa bansa.



Ayon sa hukuman, ang bigong pagtupad ng kongreso sa mandato o responsibilidad nito ay maituturing ‘grave abuse of discretion’ sa 39-taon hindi pagpasa ng naturang batas.

Kaya’t bunsod nito’y ipinag-utos na ng Kataas-taasang Hukuman ang agaran pagpasa ng batas, pakahulugan ng ‘political dynasties’ at pagdetermina sa magiging saklaw ng prohibisyon.



Alinsunod ang kautusan nang pagbigyan ang mga petisyon kumukwestyon sa kongreso sa hindi nito pagkilos o pagpasa ng batas kontra political dynasties.

Ayon pa kay Spokesperson Atty. Camille Ting, batay sa inilabas na ruling ng Korte Suprema, hindi sapat ang mga batas sa kasalukuyan para matupad ang ipinag-uutos ng konstitusyon.



Bagama’t may ‘existing laws’ na aniya, layon sa prohibisyon na ang implementasyon ay maging pangkalahatan at hindi lamang sa piling sektor ng pamahalaan.