Advertisers

Advertisers

Michael V at Dingdong pinagpupuksa ng netizens sa hosting

0 3

Advertisers

Ni Beth Gelena

Kung ang netizens daw ang tatanungin, mas gugustuhin nilang si Michael V na ang gawing permanent host ng game show keysa raw kay Dingdong Dantes.

“More natural and kaya talaga makipag sabayan sa mga jokes, medyo awkward talaga mag host si Dingdong to be honest,” ani ng commenter.

May nagsabi pang kung ilelevel sa Family Feud talaga ni Steve Harvey, “Bitoy is really the best option para maging comedic vibe yung game show. Iba kasi dating pag nakakatawa. No hate on Dingdong though.”

May pumalag namang isang fan ng mister ni Marian Rivera, “Disagree, I think Dingdong is a good host, kaya nga trending Family Feud with him as host e. He’s good at facilitating the games, letting the guests breathe & have their moments.”

“I think Dingdong is good & quick… But Michael V was a good host as well. Funny & quick”

May nagsuggest namang, “Dapat binibigyan din ng show na ganito si bitoy gaya noon. Lagi na lang kasi si Dingdong eh tsaka si Julie. I mean, no hate on them pero sana mabigyan ng chance ‘yung iba pang magagaling na artista sa kanila. Bigyan lahat ng chance gaya ng ginagawa ng ABS sa mga artists nila.”

Kinumpara pa ng ibang nagkomento na dapat daw witty talaga ang host ng kase yun daw ang pumapatok at mas masayang panoorin like Steve Harvey and Luis Manzano. “Kaya sana permanent host na yan jan si Bitoy”

“Finally may nakapag sabi din. Actually hindi si dingdong ang nagdadala ng show kundi mga guest celebrity players. Lalo pag comedians ang players. Ang boring mag host at hindi nakakasabay sa banters. Yung guest ang showtime host nalamon sya eh. Prang hindi sya host that time. Haha”