Advertisers

Advertisers

Debbie Lopez, patuloy ang pag-ningning sa OPM scene

0 3

Advertisers

Patuloy ang pag-ingay sa OPM scene ng singer na si Debbie Lopez, na mas kilala bilang “The Radiance Icon” ng OPM.

Kamakailan lang ay nagwagi si Debbie bilang New Recording Artist of the Year sa katatapos na 17th PMPC Star Awards for Music.

Ngayon naman, may panibagong pasabog ang Radiance Icon sa kanyang latest single na “Tindog,” isang upbeat song tungkol sa pagbangon mula sa heartbreak at mga pagsubok sa buhay.

Mapapakinggan na ang “Tindog” sa iba’t ibang major streaming platforms. Hango ito sa personal na karanasan ni Debbie, partikular sa kanyang journey ng pagbitaw sa kanyang first love matapos ang 27 taon.

Ang “Tindog,” na nangangahulugang “bangon” o “ahon,” ay kinakanta sa Cebuano, Tagalog at English. Preview rin ito ng kanyang debut album na “Radiance,” na nakatakdang ilabas bago matapos ang taon.

“It’s about moving on,” ani Debbie. “It’s based on my own experience. I had to let him go kasi sasakit lang ang dibdib ko.”

“Kapag kumakanta ako, napi-feel ko talaga yung lahat ng emotions,” dagdag pa niya.

Ayon kay Debbie, mas nahihilig siya sa mellow at millennial tunes at nagbibigay rin siya ng sariling input sa mga composer niya.

Para naman sa Radiance Icon, mahalagang ibigay ang buong effort sa bawat proyekto at trabaho.

“You have to choose talaga what’s the best for you. Lagi naman akong all-in sa mga proyekto at trabaho ko,” ani Debbie.

Samantala, nakatakda na ang recording ng “Radiance” sa September 26. Lyrics and music ito ni Zillah Cabarles, habang si Adonis Tabanda ang music director, producer at arranger.

At take note, may nakatakda ring international project si Debbie sa 2027 para sa International Performer Malaysia at Singapore.

May plano rin siyang concert sa 2027, kasabay ng pagtatapos ng kanyang debut album. At pagkatapos nito, naka-line up na rin ang kanyang second album.

Sa ngayon, naka-focus muna ang Radiance Icon sa kanyang music at recording.

Big congratulations, Debbie! More power sa’yo!

——-

Nagbabalik ang minamahal na boses ni Gary Valenciano sa isang Coco Martin series dahil si Mr. Pure Energy ang kumanta ng bagong theme song ng Kapamilya teleseryeng “Coco Martin’s Sigabo.”

Pagkatapos maging parte ang kanyang mga kanta sa “FPJ’s Ang Probinsyano” at “FPJ’s Batang Quiapo,” inawit naman ngayon ni Gary V ang bersyon ng makabag-damdaming “Kung Kailangan Mo Ako,” na magbibigay ng bagong kulay sa landas na tatahakin ni Gabo sa serye.

Sinisimbolo ng kanta ang bagong pananaw sa buhay ni Gabo dahil sa labis na pag-aalala at pag-aalaga para sa kanya ni Sam (Julia Montes), na hindi kinasanayan ni Gabo dahil noon pa ay sanay siyang humarap sa mga laban at pagsubok ng mag-isa.

Sa patuloy na pagpapanggap nina Gabo at Sam bilang mag-asawa, tuluyan na bang mauuwi sa tunay na pag-iibigan ang mga pusong nagkukunwari?

Huwag palampasin ang aksyon, drama, at kilig sa “Coco Martin’s Sigabo” gabi-gabi mula Lunes hanggang Biyernes, 8 PM sa ALLTV2, TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook, at iWant. Napapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.