Advertisers
Ni Anne Venancio
TINATAWAG pa rin ng mga tagahanga si Camille Prats bilang “Princess Sarah,” ang karakter na ginampanan niya noong child star pa siya.
Sa comments section ng kanyang recent social media post, maraming followers ang muling gumamit ng kanyang dating karakter bilang tawag sa aktres.
Napansin din ng fans ang youthful appearance ni Camille at sinabing tila hindi nagbago ang kanyang mukha sa paglipas ng mga taon.
Nagbahagi rin ang aktres ng AI-generated photo na nagpapakita sa kanyang kasalukuyang itsura at dating hitsura bilang Princess Sarah.
Samantala, kabilang si Camille sa mga lead star ng upcoming GMA drama series na “A Million Dreams.”
Makakasama niya sa serye sina Sparkle actresses Caprice Cayetano at Angel Guardian.