Advertisers

Advertisers

18 pagyanig naitala sa panibagong pag-aalboroto ng Bulkang Mayon

0 5

Advertisers

TINATAYANG aabot sa 18 pagyanig ang naitala sa panibagong pag-aalboroto ng bulkang Mayon inilat nitong Miyerkules, Setyembre 23 ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sinabi ng Phivolcs nakataas ang antas ng alerto 2 sa paligid ng bulkang Mayon .

Ayon pa sa Phivolcs na nakikita at banaag ang pamamaga ng bulkan sa nakalipas na magdamag.



Nabatid pa sa ahensya na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa anim na kilometro (6 km) radius Permanent Danger Zone (PDZ).

Ayon pa sa Phivolcs ipinagbabawal din ang pagpapalipad ng anumang sasakyang panghimpapawid sa ibaba ng bulkan.



Nagbabala rin ang Phivolcs na maaaring maganap ang mga sumusunod gaya ng biglaang pagputok ng bulkan, pagguho ng bato mula sa tuktok ng bulkanat pag-agos ng lahat kung may matinding pag-ulan. (Boy Celario)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">