Advertisers

Advertisers

BATANG ECOZONE, TODO-SUPORTA SA ISASAGAWANG CAVITE ECONOMIC ZONE RUN 2026

0 11

Advertisers

Magsasagawa ang Philippine Economic Zone Authority (PEZA), sa pamumuno ni Director General Tereso “Theo” O. Panga, ng Cavite Economic Zone Run 2026 na gaganapin sa Linggo, Setyembre 27, 2026, sa CEZ Soccer Field sa Cavite Economic Zone, Rosario, Cavite.

Buong suporta naman ang ipinahayag ng Batang Ecozone, sa pangunguna ng pangulo nitong si Engr. Jerenato “Jerry” Alfante, sa nasabing aktibidad na naglalayong isulong ang kalusugan, pagkakaisa at aktibong pamumuhay sa hanay ng mga manggagawa at komunidad sa loob ng economic zone.

Bilang bahagi ng paghahanda sa aktibidad, hinihikayat ng mga organizer ang mga kumpanya at iba pang stakeholder na makibahagi bilang mga exhibitor at donor upang makatulong sa matagumpay na pagsasakatuparan ng programa.

Maaaring lumahok ang mga kumpanya bilang exhibitor sa halagang P5,000. Kabilang sa mga benepisyong matatanggap ang nakalaang exhibit area para sa kanilang mga produkto at promotional materials, almusal para sa dalawang kinatawan, at paglalagay ng company banner sa soccer field at entablado.

Tumatanggap din ang mga organizer ng cash at in-kind donations mula sa mga indibidwal, kumpanya at iba pang organisasyong nais magpahayag ng suporta sa aktibidad.

Inaasahang magsisimula ang pagtitipon sa ganap na alas-5:00 ng umaga, na susundan ng mga aktibidad na naglalayong hikayatin ang mas malusog na pamumuhay at palakasin ang samahan ng mga manggagawa at komunidad sa Cavite Economic Zone.

Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng PEZA at Batang Ecozone, inaasahang higit pang mapatitibay ang ugnayan ng mga kumpanya, manggagawa at iba pang stakeholder tungo sa pagsusulong ng kalusugan, pagkakaisa at kapakanan ng buong komunidad ng economic zone.