Advertisers

Advertisers

7,107 red flag projects sa DPWH sa 2027 silip ni SP Gatchalian

0 5

Advertisers

SINITA ni Senate President Sherwin Gatchalian ang mga red flag infrastructure projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa 2027 na aabot sa 7,107 o halagang P251 billion.

Sa pagtalakay ng budget ng DPWH sa Senado, tinukoy ni Gatchalian ang walong uri ng red flags sa mga proyekto ng ahensya na kanilang napuna.

Kabilang sa mga nasitang red flags ang kawalan ng station number ng mga proyekto, duplicated projects kung saan meron na sa 2026 at nailagay pa muli sa 2027, kawalan ng coordinates, lump sum projects, overlapping na mga proyekto, at hindi tukoy na work scope.



Hiniling naman ni Gatchalian sa mga regional directors at district engineers na sa hanay pa lang nila ay linisin na ang mga datos o listahan ng mga proyekto at huwag nang paabutin sa central office ng ahensya.

Agad namang ini-report ni DPWH Secretary Vince Dizon ang update na mula sa 1,107 red flag projects ay bumaba ito sa 994.



Sa 994 na red flag projects, 347 dito ang lump sum projects kaya sisikapin nilang ma-specify o matukoy ang naturang mga proyekto.

Lumalabas na 647 na lamang ang kailangang i-validate ng ahensya na pagtutulungan nila kasama ang opisina ng Senate of the President at ng Committee of Finance upang matiyak na walang duplicates at overlapping sa mga proyekto.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">