Advertisers
MARIING iginiit ni Senate President Sherwin Gatchalian na magpapatuloy ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte hangga’t may quorum ang senate impeachment court, kahit hindi dumalo ang kanyang defense team.
Ayon kay Gatchalian, opsyon ng depensa kung dadalo o hindi sa susunod na hearing, ngunit kailangan pa ring tapusin ng impeachment court ang nasimulan nang proceedings.
Sinabi ito ni Gatchalian matapos ipahayag ni defense counsel Sheila Sison na ang anumang pagdalo o partisipasyon ng defense team simula Setyembre 28 ay magiging ad cautelam, o para lamang mapanatili ang kanilang mga legal na karapatan.
Samantala, kinilala ni Gatchalian na maaaring humingi ng Temporary Restraining Order o TRO ang depensa sa Supreme Court upang pansamantalang ihinto ang impeachment trial habang kinukuwestiyon ang bagong voting threshold ruling.
Gayunman, sinabi niyang nakadepende ito sa magiging aksyon ng Supreme Court sa naturang petisyon.