Advertisers

Advertisers

MOIRA NILANGAW ANG TICKET SELLING KAYA DI TULOY ANG CONCERT

0 28

Advertisers

Ni Dominic Rea

Mukhang hindi sinuwerte si Moira dahil hindi pumatok sa takilya ang kanyang ticket selling para sa kanyang dapat sana ay nalalapit na concert this October 4 sa MOA Arena. Kaya ang ending ay naglabas ng official statement ang kanyang kampo na hindi ito matutuloy at ipinagpaliban na next year!

Ang siste ay ito naraw ba ang naging impact sa kanyang singing career ng noon pa man ay napapabalitang may attitude ito? Sabi pa ng isang nagkomento sa aking facebook pist ay talagang may attitude daw ito kaya rin daw ito nawala na sa kanyang dating management! Well, baka naman napagod lang ang mga utaw sa mga concert dahil kamakailan lang ay halos bawat linggo ay naglipana ang mga concert ng ating local artist! Hindi ba?



BLIND ITEM: MALE SINGER SAKSAKAN NG BAHO NG HININGA

Naku! Matagal ko ng alam ang amoy ng hininga ng male singer na ito noh! Noon pa man ay may problema na ito sa kanyang hiningang napakabaho talaga at nakakasulasok!



Mahusay siyang singer at marami ang umiidolo sa kanya huh! Guwapo rin siya noh! Madali lang naman solusyunan ang hygiene diba?

Bakit daw hindi nito magawa? Hindi naman kaya nasa bituka na niya ang deperensiya?



Ano ba yan!