Advertisers
IIWANAN ni Alex Eala ang sakit mula sa malupit na pagkatalo at dadalhin ang kanyang laro sa WTA 1000 Wuhan na nakatakda mula Oktubre 12 hanggang 18 sa China.
Pinapaboran na manalo ng gintong medalya sa ika-20 Asian Games sa Japan, nagtapos si Eala sa bronze matapos matalo kay Wang Xiyu na No. 85 at kalaunang kampeon sa semifinals, 6-3, 3-6, 2-6.
Dumating ang pagkatalo isang linggo lang matapos matalo rin si Eala sa isang player na mas mababa ang ranggo, si No. 180 Tatiana Prozorova sa 500 Singapore Open round of 16, 6-4, 5-7, 3-6.
Medyo mahirap ang simula ng Asian Swing para kay Eala — isa na nais niyang balewalain habang bumabalik siya sa Tour matapos palampasin ang China Open para sa Asiad.
Bilang isa sa top 32 na manlalaro, magkakaroon muli si Eala ng first-round bye sa star-studded na torneo.
Ang kasalukuyang top 10 sa ranggo ay nakikipagkumpetensya sa paligsahan.
Narito ang World No. 1 na si Elena Rybakina, No. 2 na si Aryna Sabalenka, No. 3 na si Jessica Pegula, No. 4 na si Coco Gauff, No. 5 na si Mirra Andreeva, No. 6 na si Linda Noskova, No. 7 na si Elina Svitolina, No. 8 na si Karolina Muchova, No. 9 na si Iga Swiatek, at No. 10 na si Marta Kostyuk para hadlangan si Eala.
Ilan pa sa mga kilalang manlalaro na kabilang sina world No. 12 Belinda Bencic, No. 13 Iva Jovic, No. 14 Diana Shnaider, No. 16 Sorana Cirstea, No. 17 Naomi Osaka, No. 19 Elise Mertens, No. 20 Jasmine Paolini, at No. 21 Maja Chwalinksa ay nakatakdang sumali rin sa kumpetisyon.
Ang iba pang mga nakalistang manlalaro ay sina Anna Kalinskaya na nasa ika-22 sa mundo, Leylah Fernandez sa ika-26, Marie Bouzkova sa ika-27, Ekaterina Alexandrova sa ika-28, Sara Bejlek sa ika-29, Ann Li sa ika-30, Jelena Ostapeko sa ika-32, Nikola Bartunkova sa ika-34, Cristina Bucsa sa ika-35, Barbora Krejcikova sa ika-43, Oleksandra Oliynykova sa ika-47, Anhelina Kalinina sa ika-50.
Ang Wuhan Open ang magiging unang 1000 na torneo ni Eala mula nang Cincinnati Open noong nakaraang Agosto.