Advertisers
NAGLABAS ng arrest warrants ang Sandiganbayan laban kay dating Iriga City Mayor Madelaine Arlene Yorobe Alfelor at dalawang dating city officials kaugnay ng umano’y iregularidad sa paggamit at liquidation ng P31.042 milyon na AICS funds noong 2022.
Ayon sa reklamo ng Iriga City Government, nasa payroll ang tinatayang 15,000 beneficiaries na dapat nakatanggap ng P1,500 hanggang P2,000 bawat isa, ngunit sinasabing hindi naman nila natanggap ang nakatalang ayuda.
Mas nakakabahala, natuk-lasan din ang mga pekeng pirma ng mga benepisyaryo, kabilang ang mga taong pumanaw na, na ginamit umano sa dokumentasyon ng payouts.
Kusang sumuko si Alfelor at kasalukuyang nakadetine, habang naaresto ng CIDG si dating supervising administrative officer Ruben Delos Santos.
Walang inirekomendang piyansa ang korte sa kaso.
Paalala ng Iriga City Legal Office: probable cause pa lamang ito at hindi pa pinal na hatol ng pagkakasala—dahil mananatili ang karapatan ng mga akusado sa due process.