Advertisers

Advertisers

P20m alahas nalimas sa 2 minutong holdap sa Bulacan

0 36

Advertisers

SA loob lamang ng dalawang minuto, tinangay ng apat na armadong lalaki ang tinatayang P20 milyong ha-laga ng alahas mula sa isang jewelry store sa Malolos City, Bulacan.
Naganap ang holdapan sa Jewelry Access Company sa Purok 5, Barangay Lugam noong Oktubre 1.
Batay sa kuha ng CCTV, dalawang lalaki ang unang pumasok sa tindahan at nagpanggap na mga kostumer bago naglabas ng baril at tinutukan ang security guard.
Agad namang pumasok ang dalawa pa nilang kasamahan at dumiretso sa mga display case, mabilis nilang kinuha ang mga alahas, habang nagtago sa ilalim ng mesa ang dalawang babaeng staff.
Sa isa pang bahagi ng CCTV, makikitang nagkalat sa sahig ang mga jewelry tray matapos ang pagnanakaw, habang isa sa mga security guard ang nagtamo ng pananakit nang sipain at hampasin ng baril ng mga robber.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulis sa krimen.