Advertisers

Advertisers

P336-M declared assets ni VP Sara mas mababa sa P424-M reported transactions

0 32

Advertisers

SINABI ni Presiding Officer Chiz Escudero na umabot sa tinatayang P336 milyon ang kabuuang declared assets ni Vice President Sara Duterte sa kanyang SALN mula 2022 hanggang 2025.

Mas mababa ito sa P424 milyon na naiulat na financial transactions na kinasasangkutan nina Duterte at ng kanyang asawang si Manases Carpio sa parehong pana- hon.

Ayon kay Escudero, batid niyang hindi dapat basta-basta pinagsasama ang halaga ng assets na idineklara sa magkakaibang SALN.



Gayunman, ginawa niya ito upang subukan ang tinawag niyang “Absurd possibility” kung maaari nitong ipaliwanag ang naiulat na mga transaksyon.

Nang tanungin kung ano ang maaaring magpaliwanag sa P424 milyon, sinabi ni Anti-Money Laundering Council executive director Ronel Buenaventura na hindi niya ito maipaliwanag batay sa mga rekord na naiulat sa AMLC.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">