Advertisers

Advertisers

Ryan Bang, may paglilinaw sa isyung “babaero”

0 37

Advertisers

Ni Mercy Lejarde

Nilinaw ng It’s Showtime host na si Ryan Bang na fake news ang napabalitang babaero siya.

Sa kanyang YouTube channel, sinabi ni Ryan na hindi talaga siya babaero.



“Hindi talaga ako babaero,” pahayag ni Ryan.

Sa panayam, tinanong siya ng Korean best friend niyang si Willy Song kung babaero ba siya.



“Babaero daw si Ryan?” tanong ni Willy.

“Sabi?” buwelta ni Ryan.



“Oo,” sagot ni Willy.

“Alam mo, Willy, sa inyo promise ha, since first girlfriend ko hanggang ngayon, eh tatlo lang naging girlfriend ko. After 18 years old, ’yung naging girlfriend ko. O paano naging babaero doon? Saan nila ako nakita? May kasama ba ako ng babae? Eh kayo lang laging kasama ko eh,” paliwanag ni Ryan.

“So hindi talaga ako babaero. Hindi ako gano’n, totoo ’yun,” dagdag pa niya.

Well, mukhang hindi naman babaero si Ryan. ’Di ba, Madlang People?

***

BINI, Maki, at Regine, tumanggap ng mga parangal

ABS-CBN Music, kinilala bilang Music Company of the Year sa Filipino Music Awards 2026

Pinangalanang Music Company of the Year ang ABS-CBN Music sa ginanap na Filipino Music Awards 2026, kung saan tumanggap din ng mga bigating parangal ang Kapamilya acts na BINI, si Maki, at ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid.

Tinanggap ni Regine ang Lifetime Achievement Award bilang pagkilala sa kanyang malaking ambag sa musikang Pilipino sa pamamagitan ng mga minamahal na awitin at mga hindi malilimutang pagtatanghal ng OPM icon.

Isa ang BINI sa big winners ng gabi ng parangal matapos nilang maiuwi ang dalawang grand awards na Artist of the Year at Tour of the Year para sa kanilang “Signals World Tour.” Patunay ito sa patuloy na lumalawak na impact ng nation’s girl group sa paghahatid nila ng musikang Pilipino sa loob at labas ng bansa sa pamamagitan ng kanilang Coachella at Summer Sonic debut, pag-awit ng “A Parallel World” para sa pelikulang “Forgotten Island,” kasalukuyang world tour, at iba pa.

Samantala, tinanggap naman ni Maki ang Album of the Year award para sa “KOLORCOASTER,” ang kanyang 10-track record na inilabas sa ilalim ng Tarsier Records at nagtatampok sa mga hits na “Dilaw,” “kahel na langit,” at “Namumula.”

Pinangalanang Music Company of the Year naman ang ABS-CBN sa patuloy nitong suporta sa musikang Pilipino at artists nito, gayundin sa papel nito sa paglikha ng mga oportunidad para mas maabot ng OPM ang mga tagapakinig sa Pilipinas at ibang bansa sa pamamagitan ng music arm nitong ABS-CBN Music.