Advertisers

Advertisers

Kim Chiu, Tuloy ang Suwerte sa Negosyo

0 31

Advertisers

Ni Mercy Lejarde

Sa latest Instagram post ni Kim Chiu, nagbahagi ang It’s Showtime host ng mensaheng, “Steady. Life may not always go as planned.”

Good vibes na naman ang hatid ni Kim sa Madlang People, lalo na’t may panibagong tagumpay siyang ipinagdiriwang.



Ani Kim, “Steady…Life may not always go as planned, but there will always be something to be grateful for, something to look forward to, and another reason to keep going. And today, I’m choosing to celebrate another little victory!”

Sa Oktubre 23, 2026, magbubukas ang ikatlong pop-up store ng House of Little Bunny PH ni Kim Chiu sa SM Lanang, Davao City. Ito na ang ikatlong pop-up store ng kanyang negosyo sa Mindanao.



Nagpasalamat din si Kim sa lahat ng patuloy na sumusuporta at nagpapakita ng pagmamahal sa kanyang negosyo.

Well, wish lang ni yours truly na mas lalong suwertehin si Kim at tuloy-tuloy ang pagdating ng magagandang oportunidad sa kanya. ’Yun na.



***
BINI, Gumawa ng Kasaysayan sa Kids’ Choice Awards 2026

Patuloy na gumagawa ng kasaysayan ang BINI sa international music scene bilang kauna-unahang Filipino act na magre-represent sa Asia sa Favorite Global Music Star category ng Nickelodeon’s Kids’ Choice Awards 2026. May debut performance na rin ang nation’s girl group sa tanyag na Vevo Studios sa Amerika.

Kasamang nominado ng BINI sa nasabing kategorya ang international artists na sina Taylor Swift, Zara Larsson, Olivia Dean, Tyla, Karol G, at Tame Impala. Kabilang sa Asian acts na naging nominado sa kategorya noong mga nakaraang taon ang K-pop groups na BIGBANG, BTS, BLACKPINK, at Stray Kids.

“Very grateful, honored, and blessed. Iyon naman po talaga yung goal namin so ngayon it’s very humbling at nakakataba ng puso kasi naisip kami na mag-present sa Asia,” saad ni BINI Stacey sa panayam sa TV Patrol.