Advertisers

Advertisers

Prosecution target isumite nang maaga ang ebidensiya sa impeachment trial ni VP Sara

0 46

Advertisers

PLANO ng House prosecution panel na isumite bago ang itinakdang deadline sa October 23 ang formal offer of evidence laban kay Vice President Sara Duterte upang mapabilis ang natitirang proseso ng impeachment trial sa Senado.

Sinabi ni House prosecutor Joel Chua, inihahanda na ng panel ang mga dokumento at iba pang ebidensiyang nais nilang tanggapin at isaalang-alang ng impeachment court. May 10 araw ang depensa mula sa pagtanggap nito upang magsumite ng komento at pagtutol.

Sa testimonya ng forensic accounting expert na si Atty. Alexander Cabrera, tinatayang nasa P817.87 milyon ang umano’y hindi maipaliwanag na yaman na iniugnay kina VP Sara at sa kaniyang asawang si Manases “Mans” Carpio mula 2022 hanggang 2025. Maaari umano itong umabot sa P1.5 bilyon batay sa ibang paraan ng pagkukuwenta.



Nakabatay ang pagsusuri ni Cabrera sa mga bank record, income tax return, dokumento ng insurance, corporate filing at Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).

Noong Oktubre 13, tinanggap ng Senate impeachment court ang pagbawi ng prosecution sa tatlong artikulo na may kaugnayan sa umano’y maling paggamit ng confidential funds, bribery at grave threats. Dahil dito, ang alegasyon ng hindi maipaliwanag na yaman na lamang ang natitirang usapin.



Nakatakdang magpatuloy ang paglilitis sa Nobyembre 9, kung kailan inaasahang ilalahad ng depensa ni VP Duterte ang kanilang ebidensiya, depende sa magiging pasya ng impeachment court sa pormal na alok ng prosecution.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">