Advertisers

Advertisers

69-anyos na caretaker ginilitan sa leeg at tiyan, suspek arestado!

0 32

Advertisers

Arestado brutal na pagpatay ang 21-anyos na suspek ng aminin nito sa saksi na ginilitan n’ya sa leeg at tiyan ang 69-anyos na caretaker sa Brgy., Cupang Antipolo City.

Sa ulat ng pulisya kinilala ang nasawi na si Wilfredo tagapag-alaga sa lupa o caretaker sa lugar.

Nabatid na nagkaroon ng paulit-ulit na pagtatalo ang dalawa — kabilang ang isyu sa balon na pinaghuhugasan ng paa at pagpitas ng rambutan sa lupang inaalagaan ng biktima.



Oktubre 18, may saksi umano na nagtungo sa barangay hall at nagsumbong na pumunta ang suspek sa kanyang bahay.

Sinabi umano ng suspek na tapos na n’ya gilitan sa leeg at tiyan ang biktima.



Dahil dito, inaresto ang suspek at nasa kustodiya na ng istasyon ng pulisya habang inihahanda ang mga dokumento para sa pagsasampa ng kaso.

Humingi na rin ng tulong ang pulisya sa Rizal Provincial Forensic Unit para sa masusing pagsusuri sa pinangyarihan ng krimen. (Edwin Moreno)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">