Advertisers

Advertisers

RISA PANGUNAHING KRITIKO NI MISFIT SARA

0 27

Advertisers

MAKAKAASA ang sambayanang Filipino sa katapatan ng paninindigan ni Sen. Risa Hontiveros. Hindi babaligtad si Risa sa paglilitis ni Misfit Sara. Hindi nila mabibili si Risa bilang moog ng oposisyon sa Senado. Isa si Risa sa mga pangunahing kritiko ni Misfit Sara. Kinakatawan ni Risa ang dunong, talino, at gulugod kontra katiwalian sa gobyerno.

Itinuring si Risa, Deputy Minority Leader at senador-hukom, bilang masugid na tagasalungat ni Misfit Sara mula ng pumutok ang isyu ng confidential fund noong 2022 at kahit ngayon nililitis siya ng Senate Impeachment Court (SIC). Nagbitiw siya ng mga salitang hindi gusto ni Misfit ng kuwestiyunin ang usapin ng P612.5 milyon na confidential fund na hanggang ngayon ay ayaw harapin at sagutin ni Misfit.

“Trabaho lang, walang drama… You’re not special.” Ito ang patuyang tugon ni Risa noong 2023 nang atakihin siya ni Misfit sa kanyang “flair for drama” dahil kinuwestiyon ni Risa ang nawawalang confidential fund ni Misfit.



Minsan, nagbigay ng maanghang na salita si Risa sa kawalan ng paggalang ni Misfit Sara sa kapwa lingkod bayan na tumuligsa: “I don’t need your respect, only your accountability. Justify where OVP funds are.” Hindi natuwa si Risa sa sitwasyon na mas malaki ang confidential fund ng OVP at Deped kesa sa pinagsamahang confidential fund ng DND at NICA.

Tinawaran ni Risa ang uri ng liderato ni Misfit Sara kung saan mas mahalaga para sa kanya ang sikreto ng operasyon ng OVP at Deped imbes sa tanggulang bansa. Kinilala ni Risa ang liderato ni Misfit na mistulang mala-diktador at hindi kumikilala sa pananagutan.



Tinawag ni Risa ito ng liderato ng panghihiya, o “leadership by intimidation.” Nagbabala si Risa sa harap ng abogado ni Misfit na si Mark Vinluan na hindi nababagay sa mga abogado ni Misfit na nananakot o nanghihiya sa mga mamamahayag dahil hindi ito marapat.

Sa kasalukuyang paglilitis ni Misfit sa ilalim ng SIC, kinontra ni Risa ang anumang mosyon ng depensa na ipawalang bisa o itapon ang Articles of Impeachment na nagpaparatang sa kanya ng ibat’t ibang paglabag sa Saligang Batas.



Wala sa panahon ang anumang mosyon na nagpapanukalang itapon ang impeachment trial ni Misfit Sara sapagkat hindi ito naayon sa Saligang Batas. Kailangan matapos ang paglilitis hanggang sa sandaling magbigay ng desisyon ang Senado bilang hukuman, aniya.

Isa si isa sa matinding tumutol sa desisyon noon ni Tricky Tsis na ipagpaliban ang paglilitis ni Misfit Sara sa hindi malinaw na panahon. Hindi siya sang-ayon na basta na lang idribol ni Tricky Tsis ang papel ng Senado sa isyu ni Misfit Sara.

Isa si Risa na sumang-ayon na ibaba ang voting threshold sa Senado ng mas mababa sa 16 na boto na unang itinadhana ni Tricky Tsis bilang presiding officer ng SIC. Mahihinuha na sasali si Risa pangkat ng mga salaulang senador hindi nahiya na sumuporta kay Misfit Sara. Malinaw na isinusuka ni Risa si Misfit.

***

HININGI ni House Prosecution adviser at trial spokesman Robert Ace Barbers sa mga lider sibilyan at militar na magsagawa ng pinagsamang intelligence at financial investigation sa mga ulat na may ilegal Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) ang naghahanda na suportahan ang mga kandidato sa halalan sa 2028 kapalit ang political protection.

“If these reports are true, we must act now. Trace the money, identify the financiers, expose their political contacts and build airtight cases against anyone involved in this scheme. Do not wait for the campaign period—or for these syndicates to regain a foothold in government,” ani Barbers, isang dating mambabatas.

Ibinatay niya ang kanyang pahayag sa ulat ni dating PAOCC spokesperson Winston Casio na nagbabala na mayrong POGO operators na gagamit ng “dirty money” upang hikayatin ang mga korap na pulitiko upang i-impluwensyahan ang halalan sa 2028.

“These operations show why we cannot afford to be complacent. Even after the POGO ban, suspected operations are still being uncovered in different parts of the country. We must determine who finances them, who provides logistical support, who protects them and whether any of their resources are being diverted to influence our elections,” ani Barbers.

“Sundan ang pera. Tukuyin ang mga financier, middleman at pulitikong posibleng kasabwat. I-cross-check ang kahina-hinalang transaksyon at campaign contributions, at magsampa ng kaso kapag sapat ang ebidensya. We need concrete investigative results, not just warnings and intelligence reports,” aniya.

“An arrest is only the beginning. The bigger task is to dismantle the entire network—its money, its operators, its protectors and its connections. If there is evidence of corruption or illegal campaign financing, follow it wherever it leads, regardless of the position or influence of those involved,” aniya.

“Walang puwang sa ating halalan ang perang galing sa krimen. Walang kandidatong dapat magbenta ng proteksyon kapalit ng pondo mula sa mga sindikato. The Filipino people deserve elections decided by voters—not by criminal money,” aniya.

“The mission is straightforward: follow the money before it reaches the ballot box, expose any political protection network before it gains influence over government, and prevent criminal syndicates from using the 2028 elections as a pathway back into the country. Protecting our elections is protecting our national security,” ani Barbers.