Advertisers

Advertisers

Mga ‘druglord’ dikit kay Duterte

0 37

Advertisers

MOSTLY yata ng tinaguriang drug lords sa bansa ay nakadikit sa Duterte partikular sa dating pangulong si Digong.

Ito’y sina Peter Lim. Michael Yang, Charlie Tan, Sammy Uy, at ang latest ay si Datu Nasser Rimbang.

Si Peter Lim ay “kumpale” ni Digong. Labas-pasok ito noon sa Palasyo ng Malakanyang.



Si Michael Yang ay naging economic adviser ni Digong kahit isa itong Chinese national an ipinagbabawal sa ating Saligang Batas.

Si Charlie Tan ay “kumpale” din ni Digong at kaibigan ng kanyang mga pati Manugang, base sa mga larawang kumalat sa social media. Isinasangkot siya sa P4.3 billion shabu na nahuli sa iron lifter noong 2018 sa Manila International Container Port (MICP).



Si Sammy Uy ay “kumpale” din ni Digong na ayon sa dating “hitman” ng huli sa Davao Death Squad (DDS) na si Arturo Lascanas, at kay dating PNP anti-drugs officer Colonel Eduardo Acierto ay isang drug lord.

Ang mga Chinese national na ito ay hindi manlang naitala sa drug-list noon ni Digong kahit may mga ulat nang sindikato ng iligal na droga ang mga ito. Sa halip, ipinagtanggol pa sila ng dating pangulo.



At itong si Datu Rimbang, naging appointee ni Digong sa Bangsamoro Parliament, ay sinasabing utak at pinanser ng nasabat na P3.5 halaga ng shabu sa Laos.

Obkors todo tanggi si Rimbang sa mga akusasyon laban sa kanya.

Pero sa mga imbestigasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Malaysian authorities ay lumalabas na si Rimbang ang utak at pinanser ng nabulilyasong kontrabando.

Nagpapatuloy pa ang masusing imbestigasyon ng PDEA at NBI sa kasong ito, kungsaan nakikipagtulungan din ang Malaysian authorities para madiin at makulong ang mga taong nasa likod ng pagpasok sana ng toneladang shabu sa bansa.

Subaybayan!

***

Inanunsyo ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang pagpatong ng P50 million sa ulo ng wanted Senator na si Ronald “Bato” dela Rosa.

Ang reward ay para mahuli na ang Senador na wanted sa International Police (Intepol) at madala sa The Hague, Netherlands para harapin ang kasong ‘crimes against humanity’ kaugnay ng mga pagpatay noong PNP Chief ito ng nakaraang Duterte administration.

Si ex-Pres. Rody Duterte ay higit isang taon nang nakakulong sa ICC facility sa The Hague.

Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, si Bato ay kinakanlong ng malaking armadong grupo sa Mindanao, na kapag inopereyt nila ay tiyak daw na kakalat ang mga bangkay.

Kung sino d’yan ang gustong maging instant multi-milyonaryo, ituro n’yo na ang pinagtataguan ni Bato. Now na!