Advertisers

Advertisers

Taas-sahod sa W. Visayas aprubado ng wage board

0 34

Advertisers

INAPRUBAHAN ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) sa Western Visayas ang dagdag na P40 hanggang P45 sa arawang minimum wage ng mga manggagawa sa pribadong sektor.

Pahayag ni RTWPB-6 chair Sixto Rodriguez Jr. noong Sabado, Oktubre 24 na sakop ng dagdag-sahod ang mga manggagawa sa Western Visayas, Negros Occidental at Bacolod City.

Sa ilalim ng Wage Order No. 30, ang mga manggagawa sa agrikultura ay makatatanggap ng P45 na dagdag araw-araw, kaya tataas ang kanilang minimum wage mula P520 patungong P565.



Ang mga nagtatrabaho naman sa non-agricultural establishments na may 10 pababang empleyado ay makatatanggap ng P40 na dagdag araw-araw, kaya tataas ang kanilang minimum wage mula P525 patungong P565.

Ayon kay Rodriguez, ang buwanang minimum wage ng mga domestic worker o kasambahay ay tataas ng P500, mula P6,500 patungong P7,000.



Kung maaprubahan ng labor secretary ang pagtaas na ito, inaasahang magkakabisa ang dagdag-sahod pagsapit ng Nobyembre, ani Rodriguez. (Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">