Advertisers

Advertisers

Prosekusyon nagsumite na ng ebidensiya vs VP Sara; Kumpiyansa sa conviction

0 32

Advertisers

NAGSUMITE na ang House prosecution ng mga ebidensiya laban kay Vice President Sara Duterte bago ang itinakdang deadline noong Oktubre 23, habang nagpahayag ng kumpiyansa ang kampo na makakamit ang kanyang conviction sa impeachment trial.

Sinabi ni House impeachment spokesperson Robert Ace Barbers, isinumite ang formal offer of evidence noong Oktubre 21, kaya may 10 araw ang depensa upang magbigay ng komento bago magpasya ang Senate impeachment court kung tatanggapin ang mga ito.

Nakatuon ang kaso sa Article II ng impeachment complaint, na naglalaman ng mga alegasyon ng hindi maipaliwanag na yaman, maling deklarasyon sa Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN), at ipinagbabawal na interes sa negosyo.



Batay sa testimonya ng financial forensic expert na si Alexander Cabrera, tinatayang P817.87 milyon ang umano’y hindi maipaliwanag na yaman nina Duterte at ng kanyang asawang si Manases Carpio mula 2022 hanggang 2025.

Maaari umanong umabot sa P1.5 bilyon ang halaga batay sa mas malawak na pagkukuwenta.



Gayunman, itinanggi ni Duterte ang mga alegasyon laban sa kanya.

Nakatakdang simulan ng kanyang depensa ang paglalahad ng ebidensiya sa Nobyembre 9.



Ang pinal na desisyon sa pagtanggap ng mga ebidensiya ay nasa kamay ng Senate impeachment court.

“Honestly, ang pakiramdam namin, we are confident that we can secure a conviction. Kumpiyansa kami with all these evidence we presented at inilatag sa korte, naniniwala kami na ito ay makakakuha ng mayorya ng boto ng members ng impeachment court, mga senador,” ani Barbers.