Advertisers

Advertisers

ALDEN RICHARDS DEADMA SA SINIWALAT NG INFLUENCER NA SOCIAL CLIMBER

0 27

Advertisers

Ni Favatinni San

MAINIT na paksa sa social media ang mga sinulat ni Christian ‘Xian’ Gaza, isang kontrobersiyal na influencer.

May richy na kaibigan si Alden Richards na pinatira sa condo niya na walang bayad ng anim na taon, huh.



Pati kuryente at tubig ay libre, may-ari ng unit ang nagbabayad. Maging ang anim na mahahaling relo ay salit-salitang ginagamit ng aktor. Hindi na isinoli.

Nang makarating sa aktor ang siniwalat ni Gaza ay deadma lang siya, naniniwala siya sa karma.



Oo nga, milyonaryo si Alden na may bonggang bahay sa Nuvali, Sta. Rosa, mamahaling sasakyan, 3 franchise na fast food at latest may bahay sa Dasma Village. May sariling AR Foundation, movie production at maraming pinag-aaral.

Babae, yes… ‘Yan ang kulang sa aktor para pagdudahan ang sekswalidad



Maraming concerned friends ni Alden ang galit sa influencer na talaga namang kadema-demanda. Opps, may sitsit pa na may bring someone ang aktor for his private moments sa naturang condo.

Sa pagiging aktor ni Alden, ngayon lang siya nakatikim ng batikos at sinisira ang pagkatao niya.

Well, nasa ibang bansa si Gaza, maraming showbiz personalities ang pumiyok at nilabanan siya at iba ay nagdemanda.

Sa mga panayam kay Alden, bakas ang kanyang kalungkutan, e kahit deadma siya sa negatibong isyu e bakas sa mukha niya ang kalungkutan.

Next year, sa Enero ay kaarawan ni Alden… sana magkaroon na siya ng babaeng mamahalin at habambuhay niyang makakasama, e sayang naman kung ‘di kakalat lahi niya.

Maayos ang career plan sa kanyang career.

Lastly, kung may patuloy na naninira sa kanya, idemanda niya, huwag magpaawa effect Alden, please.

AKTOR, TULOY SA POLITIKA

KAYA pala siya nagp-thanksgiving (kuno), makasama ang mga kaibigan sa press at media ay ‘yun makuha ang saloobin ng imbitado. May nagsabi kung bakit ‘di subukan maging public servant. Yes, pumasok muna si politiko bago nag-artista.

Ngayon ay nasa survey (paid, hmmp) ang pangalan niya sa mga aspiring politician for 2028.

Kasalukuyan napapanood sa sikat na teleserye at ama niya ay isang politiko.