Advertisers

Advertisers

SK kagawad binira ang mayor sa Presidential Scholarship

0 31

Advertisers

NAUWI sa mainit na palitan ng salita ang diskusyon sa pagitan ng isang SK kagawad at alkalde sa Camarines Sur sa isang barangay assembly sa bayan ng Canaman.
Kinuwestyon ni SK Kagawad Mica Osdon ng Bara-ngay Iquin, Canaman ang kanilang alkalde na si Nelson Legaspi tungkol sa mga benepisyaryo ng Presidential Scholarship, kungsaan ilang first-year at second-year college students ang napasama sa listahan ng mga benepisyaryo.
Ayon sa batang opisyal ng kanbataan, dapat bigyang-prayoridad ang mga kwali-pikadong graduating students.
Ibinahagi rin ni Osdon na naidulog na niya ang naturang usapin sa Department of the Interior and Local Government (DILG), subali’t wala pa aniya siyang nakikitang ak-syon kaugnay nito.
Sa halip namang sagutin ng alkalde ang tanong ng SK kagawad, kinuwestiyon nito ang pag-aaplay ni Osdon sa scholarship dahil nagtatrabaho ito sa isang fast-food chain.
Sinabi naman ni Osdon na kailangan niyang magtrabaho dahil panganay siya sa magkakapatid at hindi kaya ng kanyang mga magulang na suportahan ang kanyang pag-aaral sa koliheyo.
Sa video ng kanilang pag-uusap, maririnig ang palitan ng matitinding pahayag, kabilang ang mga salitang itinu-ring na tila pagbabanta laban sa SK official.
Sa kabila nito, nanindigan si Osdon na bahagi ng kanyang tungkulin bilang Sangguniang Kabataan (SK) kagawad ang pa-ngangalaga sa kapakanan ng kabataan, kabilang ang pagsusulong ng patas at makatarungang pagpili ng mga benepisyaryo ng scholarship.
Umani ng paghanga mula sa netizens ang paninindigan ni Osdon, na iginiit ang kahalagahan ng transparency at tamang pa-mamahagi ng mga oportunidad sa edukasyon.
Zagitsit News Online