Advertisers
HINIMOK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang publiko na huwag mataranta o mag-panic sa patuloy na paghina ng piso laban sa dolyar, habang tiniyak na patuloy na kikilos ang pamahalaan upang mapigil ang karagdagang pagbaba ng halaga ng local currency.
Ito ang pahayag ng Pangulo matapos umabot sa record-low na ₱64.18 kada dolyar ang piso sa intraday trading nitong Miyerkules, Oktubre 28.
Sa isang ambush interview sa isang event sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City, sinabi ni PBBM na ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng makakaya nitoupang mapanatili ang halaga ng piso sa gitna ng mga hamong kinakaharap ng ekonomiya.
“We continue to do all we can to make sure that the value of the peso does not continue to go down,” ani Marcos.
Muling iginiit ng Pangulo na patuloy na magsisikap ang pamahalaan na maipagtanggol ang halaga ng piso sa kabila ng patuloy na pressure sa palitan ng lokal na pera kontra dolyar. (Gilbert Perdez)