Advertisers
SA Comprehensive Rapid Literacy Assessment ng DepEd, 48% ng mga estudyante sa Davao Region at 45% sa Davao City ang hirap magbasa sa pagsisimula ng school year 2026-2027.
Sa Talaingod sa Davao del Norte, 49.6% ng mga estudyanteng Grade 1 hanggang Grade 3 ang hirap magbasa.
Hindi nalalayo ang resulta sa overall data kungsaan 45% ng estudyante sa bansa ang hirap magbasa sa pagsisimula ng kasalukuyang school year.
Lumabas na bumababa ang kakayahan ng mga estudyanteng intindihin ang binabasa habang tumataas ang year-level.
Sinasabing 0.40% o isa lang sa 250 na Grade 12 students ang may kakayahang intindihin ang binabasa.
Naniniwala ang Second Congressional Commission on Education na nagkaroon ng learning crisis sa Pilipinas dahil sa kabiguang resolbahin ang mga isyu sa sektor ng edukasyon sa mga nakalipas na taon.