Advertisers
NANAWAGAN ang mga grupo ng Agrarian Reform Beneficiaries (ARB) kay Department of Agrarian Reform Secretary Conrado M . Estrella III na alisin ang restriksiyon sa laki ng lupa na puwedeng taniman at paunlarin ng mga magsasaka.
Ayon kay Daniel Tono, beneficiary ng lupang sakahin mula sa Iloilo, kailangan mabigyan ng pagkakataon ang mga ARB certificate holder na mapalawak ang kanilang lupang sinasaka upang madagdagan ang ani at kita, lalo na sa gitna ng tumataas na gastos sa krudo, pasahod, pestisidyo, at transportasyon.
Binigyan-diin pa ni Tano na ang sentimyento ng mga magsasaka sa maraming rehiyon sa bansa ay maglabas ng bagong patakaran ang DAR na mag-aalis ng limitaston sa lupa na maari nilang bungkalin at taniman..
Sa kasalukuyan, umiiral ang limitasyon sa tatlong ektarya para sa mga ARB, na ayon sa mga magsasaka ay pumipigil para mas lalo pa nilang paunlarin ang kanilang sakahing lupa.
“Para kaming iginapos ng batas na hanggang diyan na lang ang aming kabuhayan,” ani Tono, na naniniwalang ang pagdaragdag ng lupang sakahan ay makatutulong upang matustusan ang pang-araw-araw na pangangailangan ng pamilya, gayundin ang pagpapaaral sa kanyang mga anak at apo.
Naniniwala ang ARB sa buong bansa na aaksiyunan ni Secretary Estrella ang kanilqng panawagan upang mas mabilis nilang makamit ang pag-unlad sa kanilang mga pananim.