Advertisers

Advertisers

Tony, awat muna sa pagpapaseksi

0 44

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

Para kay Tony Labrusca, ang pagdating ng AI or artificial intelligence ay isang bagay na hatid ng makabagong teknolohiya na hindi na mapipigilan.

“I mean siguro that’s like a real thing that people are considering personally but I don’t think about these things kasi,”aniya.” I know that it’s a scary thing kasi you know Al is very capable. I mean even I watch Al videos. Entertaining naman talaga siya. So we’ll see. Pero I feel like everything kasi has a time and purpose. And yeah, sorry, let’s just let things unfold siguro. We’ll see,” dugtong niya.



Bagamat, naniniwala siyang makaapekto ito sa trabaho ng nasa industrya, mas pinanghahawakan niya ang isang organisasyon o guild na proprotekta sa mga karapatan ng mga manggagawa sa film industry.

“I feel like it’s just so new kasi. So whether or not I’m for or against AI kung ano man po yung mangyayari, mangyayari iyan,”bulalas niya.” Well, you know what? I think in the future aside from just Al, I think actors really should have guilds here to protect actors. I think that’s number one, not just against Al, but you know, to stand up against actors’ human rights, you know, right iyong working hours and ayun. So, not just Al eh I feel like there’s a lot that actors need to be protected from,”pahabol niya.



Nilinaw naman niya na hindi niya iniiwasan ang tumanggap ng sexy roles pagkatapos ng kanyang kontrobersyal na pelikulang “Dreamboi.”

Gayunpaman, desisyon din ng management niya na mag-lie low muna siya sa pagpapaseksi.



“I mean I’m not trying to… I just don’t have that in mind when I choose a project kasi hindi naman kasi siya nasa isip ko kung dapat ba hindi ako tumanggap ng sexy. Yung project lang kasi nagkakataon na may ganoong scenes. So yun lang naman,”esplika niya.

Si Tony ay nasa cast ng seryeng “The Good Doctor” kung saan gagampanan niya ang papel ni Dr. Victor bilang antagonist ni Inigo Pascual.

Siya rin ang nagsilbing isa sa hosts ng nakaraang 42nd Star Awards for Movies kung saan tinanghal siyang Male Face of the Night.
***

MTRCB, bumibisita na sa mga transport hub bilang paghahanda sa Undas rush

Bago pa man ang dagsa ng pasahero para sa Undas, sinimulan na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang inspeksyon sa mga transport hubs sa iba’t ibang bahagi ng Kalakhang Maynila upang siguruhin na sumusunod ang mga bus operators sa mga content regulations ng Ahensiya.

Ang mga on-the-spot inspection ay bahagi ng pagsusulong ng age-appropriate at responsableng panonood sa mga public space gaya ng mga bus, kung saan pasahero din ang mga pamilya at ang mga bata.

Ito ay para matiyak na tanging G (General Audience) at PG (Parental Guidance) na sine at TV show lamang ang ipapalabas sa mga transport terminal at public utility vehicle (PUV).

“Hinihikayat namin ang kooperasyon ng mga transport terminals at operations nang masiguro natin na angkop mapanood ng mga batang pasahero ang mga ipapalabas sa mga bus habang sila ay pauwi ng probinsya para sa Undas,” sabi ni MTRCB Chair at CEO Lala Sotto.

Nagtungo ang Legal Affairs Division – Monitoring and Inspection Unit (LAD-MIU) ng MTRCB sa mga transport hub noong Martes, 27 Oktubre 2026. Magpapatuloy ang kanilang pag-inspect hanggang Huwebes, 29 Oktubre 2026.

Kabilang sa inspection at information drive ang mga transport hub sa Muntinlupa City, Las Piñas City, Pasay City, Parañaque City, Quezon City, Taguig City, Manila, Caloocan City, Valenzuela City, at Bocaue, Bulacan.

Sa ilalim ng MTRCB Memorandum Circular (MC) No. 03-2024 o ang “Rules Governing the Public Exhibition of Motion Picture and/or Trailers in Common Carriers and Other Public Places,” ang mga PUV gaya ng jeepney, bus, van, rail transport, taxi, pampasaherong barko, ferry boat at commercial airplane ay maaari lamang magpalabas ng mga pelikula at trailer na may G o PG classification mula sa Board.

Pinaalalahanan ng MTRCB staff ang mga PUV operator at tsuper na siguruhin na ang content na kanilang ipapalabas sa biyahe ay angkop din para sa mga mas batang pasahero.

Ang G o General Audience ay para sa lahat ng edad. Sa PG o Parental Guidance, kailangang may kasamang magulang o guardian ang batang manonood.