Advertisers

Advertisers

PNP Region 4B, DILG at NBI kaladkad sa ‘Payola’ sa ilegal na sugal sa Oriental Mindoro?

0 41

Advertisers

KUNG saan ang punong tanggapan ng PNP (Camp Efigenio Navarro) talamak ang ilegal na sugal.

Alam nyo mga pare at mare kung ating pagbabatayan ang malawakang operasyon ng mga ilegal na sugal sa Oriental Mindoro, tila walang dating sa lokal na pulisya ang direktiba ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr..

Batay kasi sa sumbong ng mga residente sa naturang lalawigan, kabi-kabila na umano ang operasyon ng mga sugal-lupa tulad ng peryahan na pulos sugal ang kanilang lalawigan na kilalang Food Basket and Fruit Basket Capital sa MIMAROPA region.



Bilang patunay ng alegasyon, nagpadala rin ang mga nagrereklamong residente ng mga larawan at video bilang patunay na totoong aktibo ang operasyon ng mga salot na ilegal na sugal sa loob ng peryahan tulad ng ‘color games at drop ball baraha’ na lantad ang operasyon sa publiko na makikita sa poblacion malapit sa munisipyo, istasyon ng pulisya at palengke sa bayan ng Bansud, Roxas, Pola, Bongabong, Bulalacao, Gloria, Mansalay, Pinamalayan, Socorro, Naujan, Victoria, Baco, San Teodoro, Puerto Galera at Calapan City sa tapat ng Puregold na libo-libo ang pustahan.

Ayon sa reklamo, mga dayo mula sa lalawigan ng Batangas ang tinukoy ng impormante na diumano’y kasador ng mga pasugalan na alyas Fely, Onyie at Nano na anila’y kapwa malakas at malapit na kaibigan ng ilang matataas na opisyal ng PNP Region 4B at National Bureau of Investigation (NBI-MIMAROPA).



Kasabay ng patutsada sa lokal na pamahalaang panlalawigan, nagpakawala rin ng batikos laban sa lokal na pulisya na anila’y nagbubulag-bulagan sa garapalang operasyon ng mga peryahan na pulos sugal tulad ng “color games at drop ball baraha” na dinarayo ng mga adik, sugarol at kabataan.

Nakakabahala dahil sa kabi-kabilang mga reklamo at sumbong ng mga concerned citizens at simbahan pero tila wala tayong nakikitang aksyon mula ng maitalaga itong sina Oriental Mindoro Provincial Director PCol Efraim Camara, PRO4B Regional Director PBGen. Christopher Dela Cruz at NBI-MIMAROPA Regional Director Atty. Moises Tamayo.



Nakapagtataka na wala takot na mag-operate ng mga salot na ilegal na sugal itong sina alyas Fely, Onyie at Nano sa lalawigan ni Governor Humerlito “Bonz” Dolor.

Bukod dyan may impormasyon din na idinulog sa pitak na ito ng isang nagpakilalang peryante na ayaw banggitin ang kanilang pangalan bilang proteksyon na rin umano sa kanya.

Aniya, totoong mga dayong gambling operator na ang namamayagpag at may kontrol ng mga pasugalan ngayon tulad ng Peryahan na pulos sugal sa lalawigan ni Gov. Dolor.

“Kaming lihetimong taga Oriental Mindoro ay naitsapwera na matapos mapalitan si Col. Edison Revita bilang PD”. – sambit ng nagpakilalang peryante

Himutok niya dinoble umano ang lagay o intelihensya ng mga dayong kapitalista ng ilegal na sugal kaya na itsapwera silang mga mindoreño. Tsk.Tsk.Tsk..

Totoo ba ito Col Camara at Gen. Dela Cruz, mga Sir!

Sinabi rin ng nagpakilalang peryante na “centralized” na rin ang umano’y “tong collection” na daang libong halaga na “weekly payola” bukod pa umano ang “goodwill” na kino-kolekta ng mga engkargado na alyas Sgt.Manalo, Sgt. Leynes, Sgt. Hernandez, alyas Nonoy at alyas Melvin para sa tanggapan ng walang kamalay-malay na mga nabanggit na PNP officials.

Hindi lang sina Col Camara at Gen. Dela Cruz ang kinakaladkad sa “payola” kundi maging sina NBI-MIMAROPA Regional Director Atty. Moises Tamayo, DILG MIMAROPA Regional Director Rey Maranan at DILG Oriental Mindoro Provincial Director Frederick Gumabol ay katakot-takot din ang mga inabot ng bukol sapagkat maging ang mga pangalan nila at tanggapan ay ipinangongolekta din sa sugal-lupa ng mga nabanggit na kolek-tong.

Isang alyas Nani din ang inginunguso na nangongolekta ng “weekly payola” gamit ang Oriental Mindoro Provincial Capitol.

Ilang taon ng namamayagpag ang salot na ilegal na sugal na nagiging perwisyo sa buhay ng mamamayan subalit wala tayong nakikitang ginawang aksyon ang lokal na pamahalaan at pulisya. Mismo!

Take Note, hindi lang peryahan na pulos sugal ang namamayagpag sa Oriental Mindoro kundi maging ang pa- jueteng ng maimpluwensiyang pulitiko. Laganap din ang mga pasugalang ito sa Occidental Mindoro.

May karugtong pa….

***

Anumang reaksyon o suhestiyon itext sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email balyador69@gmail.com