Advertisers

Advertisers

DOLE sa employers: 13th month pay ibigay bago ang Pasko

0 23

Advertisers

NAGPAALALA ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga pribadong kompanya na ibigay ang 13th month pay ng kanilang mga empleyado sa o bago ang Disyembre 24.

Sa ilalim ng Labor Advisory Number 21, Series of 2026, nilinaw ng DOLE na lahat ng rank-and-file employees sa pribadong sektor na nakapagtrabaho nang hindi bababa sa isang buwan ngayong taon ay may karapatan sa 13th month pay.

Kabilang dito ang mga regular, contractual, piece-rate workers, at maging ang mga nagbitiw o natanggal sa trabaho.



Ayon kay Labor Secretary Francis Tolentino, ang 13th month pay ay katumbas ng one-twelfth o isang-kalabindalawa ng kabuuang basic salary na kinita ng empleyado sa loob ng taon.

Hindi kasama sa computation ang komisyon kung hindi ito bahagi ng basic salary.



Binigyang-diin ng DOLE na dapat maibigay ang benepisyo sa o bago ang Disyembre 24, habang babantayan ng kanilang mga regional office ang pagsunod ng mga employer.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">