Advertisers

Advertisers

Ginulping Grade 7 stude nanaksak ng Grade 8 at 9

0 16

Advertisers

SUGATAN ang dalawang estudyante nang saksakin ng isang Grade 7 student, na naunang pinagtulungang bugbugin sa Mapandan, Pangasinan, Martes ng gabi, Nobyembre 10.
Batay sa imbestigasyon ng Mapandan Police, nasa plaza ang grupo ng Grade 7 student nang dumating ang grupo ng mga mag-aaral sa Grade 8 at Grade 9.
Bigla umanong pinagsusuntok ng kabilang grupo ang nakababatang estudyante.
Nang makawala sa pambubugbog, bumunot ng patalim ang Grade 7 student at sinaksak ang dalawa niyang kaalitan.
Nagtamo ng isang saksak sa dibdib ang Grade 8 student, habang nasugatan din sa dibdib at tagiliran ang Grade 9.
Agad isinugod ang dalawang biktima sa Mapandan Community Hospital, habang tumakas ang nanaksak ang nakababatang mag-aaral.
Sa isinagawang follow-up operation, natunton ng pulisya ang salarin sa Barangay Apaya sa tulong ng kanyang ina.
Narekober din ang kutsilyong ginamit sa krimen.
Dinala ang estudyante sa kustodiya ng Women and Children Protection Desk (WCPD), habang nakipag-ugnayan ang pulisya sa Municipal Social Welfare and Development Office para sa kaukulang proseso at pagsusuri sa kanyang kaso.