Pinay healthcare expert wagi sa Australian Award for Excellence in Cosmetic Formulation, bilib sa morena beauty nina Shuvee at Nadine
Advertisers
Ni NONIE V. NICASIO
HINDI lang isang ordinaryong negosyante ang nasa likod ng umuusbong na skincare brand na ÉLAN Ivory Glow. Ang founder at CEO nitong si Nathalie Ordanza, DHA, PhD, ay personal na nangunguna sa pagbuo ng formulation ng bawat produkto ng kanyang brand, isang hands-on approach na naging mahalagang bahagi ng pagkakakilanlan ng ÉLAN.
Ang layunin niya ay malinaw: makalikha ng mga produktong hindi lang sumusunod sa uso, kundi may tiyak na layunin at tumutugon sa iba’t ibang pangangailangan ng balat. Ito’y sa tulong ng mahigit 25 taong karanasan sa healthcare industry ni Dr. Ordanza, kabilang ang healthcare education, clinical documentation integrity, at professional leadership.
Bilang isang skin care expert, bilib talaga si Dr. Nathalie sa morena beauty ng mga Pinay at nabanggit niya ang ilan sa mga aktres natin.
Aniya, “Sobra po akong bilib sa morena beauty ng mga Pinay, like iyong complexion nina Kathryn (Bernardo) at Shuvee (Etrata)…
“Also, sina Nadine (Lustre) and Shuvee nakaka-good vibes yung pagka-proud nila sa beach complexion and body nila talaga. Kathryn and Lovi (Poe) naman, yung parang laging photoshoot ready ang awra nila, but they’re all gorgeous.”
Anyway, isa sa mahalagang tagumpay ng ÉLAN Ivory Glow ang pagkakamit nito ng 2026 Australian Award for Excellence in Cosmetic Formulation. Ang parangal na ito ay isang makabuluhang international recognition para sa brand at sa formulation-driven approach na isinusulong ng founder nito.
Sa formulation concept nito, binigyang-pansin ang skin renewal, hydration, at pagpapaganda ng hitsura ng dark spots, uneven skin tone, at rough skin texture.
Para kay Doc Nathalie, hindi sapat na ang isang skincare product ay may maraming aktibong sangkap. Mas mahalaga na ang bawat ingredient ay may malinaw na tungkulin at ang kabuuang formulation ay may makabuluhang layunin. Ang ganitong pananaw ang naging pundasyon ng patuloy na product development at innovation ng ÉLAN Ivory Glow. Hindi ito basta negosyo, ito’y isang personal na misyon.
Sa likod ng bawat produkto ay ang dedikasyon ng isang founder na aktibong nakikilahok sa pagbuo ng sariling skincare collection. Hindi lamang pangalan ni Dr. Ordanza ang nakalagay sa brand, ang kanyang mga ideya, pananaliksik, at formulation concepts ang nagsisilbing gabay sa paglikha ng mga produkto ng ÉLAN.
Sa loob lamang ng anim na buwan, nakapagtala na ang brand ng iba’t ibang national at international recognitions at mga oportunidad para sa retail expansion.
Bilang isang ina, healthcare professional, at woman entrepreneur, patuloy niyang ipinakikita na hindi kailangang manatili ang isang tao sa iisang propesyon upang makamit ang panibagong tagumpay. Ang kanyang paglalakbay ay patunay na ang karanasan, determinasyon, at patuloy na pag-aaral ay maaaring magbukas ng mga oportunidad kahit sa isang industriyang malayo sa orihinal na propesyon.
Sa patuloy na paglago ng ÉLAN Ivory Glow, nananatili ang kanyang pangunahing paniniwala, “Ang tunay na inobasyon ay hindi nasusukat sa dami ng produktong nalilikha, kundi sa layunin at halagang naibibigay ng bawat isa,” pahayag pa ni Dr. Nathalie.