Advertisers
MAGANDA ang naging kasunduan sa pagitan ng opisyal ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) at ng Department of Budget and Management (DBM) para mailatag ang patas at malinaw na mekanismo sa pagsusuri sa kalagayan ng mga local government units (LGUs) na apektado sa implementation ng FY 2026 Collective Negotiation Agreement (CNA) Incentive guidelines.
Sa ilalim ng kasunduan, magkakaroon ng oportunidad ang mga apektadong LGUs na ipaliwanag ang mga dahilan sa pagka-antala ng implementasy on ng proyekto .
Maari na rin silang mag-sumite ng supporting documents at panukala o hakbang upang makahabol sa implementasyon na susuriin alinsunod sa umiiral na batas at mga alituntunin.
Sa pahayag ng LMP, makatutulong ang mekanismo upang matiyak na patas ang pagsusuri sa mga munisipalidad, batay sa aktuwal na kalagayan at mga hamong kinakaharap nila sa pagpapatupad sa mga programang pangkaunlaran.
Binigyang-diin ng organizasyon sa dapat magkasabay ang pananagutan at pagiging patas.
Nagpahayag din ng pasasalamat ang liga sa pagiging bukas ni Secretary Kim Robert De Leon sa makabuluhang dayalogo.
“Labos naming sinusuportahan ag responsableng pamamahala sa pananalapi ng pamahalaan at ang magaap na pagpapatupad ng mga proyektong pangkaunlaran.”
“Gayundin, hindi dapat maparusahan o malagay sa alanganin ang mga kawani ng gobyerno dahil sa mga sitwasyong wala naman silang kontrol.”
Ang pananagutan at pagiging patas ay dapat magkasabay, ayon sa LMP
Ipinakita sa kasunduan ang kahalagahan ng koordinasyon sa pagitan ng mga pambansang ahensiya ng gobyerno at mga LGUs sa paglutas ng mga usaping may kinalaman sa mga polisiya.
Sa pamamagitan ng kasunduan, sinabi ng LMP na mapapanatili ng DBM ang pananagutan sa wastong paggamit ng pondo ng bayan habang binibigyan din ng nararapat na konsiderasyon ang mga lehitimong hamon na nararanasan ng munisipalidad sa pagpapatupad ng kanilang mga proyekto.
Nilinaw ng organizasyon na hindi nito layuning pahinain ang umiiral na panangutan, kundi tiyaking makatuwiran, pare-pareho at patas ang pagpapatupad ng mga ito, na isinasang-alang ang aktuwal na kalagayan sa mga lokal na pamahalaan.
Muling pinagtibay ng LMP ang pangako nitong patuloy na makikiopagtulungan sa DBM upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga kawani ng lokal na pamahalaan, mapalakas ang responsableng pamamahala sa pananalapi at matiyak na ang pondo ng bayan ay naisasalin sa makabuluhang mga proyektong pangkaunlaran at serbisyo.
“Nanindigan kami para sa isang lokal na pamahalaang may pananagutan, patas na pagtrato sa ating mga munisipalidad at pangangalaga sa kapakanan ng mga masisipag na lingkod-bayan na araw-araw naglilingkod sa ating mga komunidad.”
“Ang ating mga kawani ng munisipaliad ang nagunguna sa paglilingkod sa publiko. Nararapat lamang na kilalanin at bigyan ng patas na konsiderasyon ang kanilang dedikasyon, pagsisikap at kontribusyon sa kani-kanilang komunidad, ayon sa LMP.
“Bilang kinatawan ng nagkakaisang tinig ng mga munisipalidad sa buong bansa, taos-pusong nagpapasalamat ang LMP kay DBM Secretary Kim Robert De Leon sa pakikinig sa mga alalahanin ng mga lokal na pamahalaan hinggil sa FY 2026 Collective Negotiation Agreement Incentive Guideline.”
Si Echague, Isabela Mayor Faustino “Inno” Arcega Dy V ang nagsisilbing National President ng LMP para sa termino 2025-2028.
***
ATTENTION San Miguel Corporation (Autosweep) at Metro Pacific Tollways Corporation (Easytrip) ang dalawang kompanya na nag-o-operate ng expressway electronic toll collection systems o RFID (Radio-Frequency Identification)
Sakop nito ang north expressway at south expressway, cavitex, tplex at ilang pang expressways sa bansa.
Ganito kasi yan. Halimbawa, papunta ka sa San Pablo at nag-load ka ng P1,000 pesos sa Quezon Avenue station. Balikan na yun ni-load mo na P1,000 kung mag-exit ka ng Sto.tomas, Batangas.
Meron ka pang matitirang P300.00 pesos. ‘Ika nga may sukli ka pa. Pero hindi mo makukuha yun. Nakapondo sa load mo.
Ngayon, ilan tayo na may sukli kahit P100.00 ang natira sa load mo?
Ibig sabihin, nagagamit nila ang natirang pondo kung hindi ka pa ulit gagamit ng RFID.
Kung susumahin ang natirang P300.00 pesos sa 100 sasakyan na dumaan ng expressway, e di P30,000 yun!
Hindi naman 100 sasakyan lang ang natitiran ng 300 load sa kanilang RFID.
Pwede kayang maging post-paid ang maging sistema ng singilan ng RFID? Bale pre-paid kasi ang sistema ng bayaran sa RFID ngayon.
Sakaling maging post-paid, pwedeng magpadala ang Autosweep at Easytrip ng resibo buwan-buwan sa RFID holders. Ang hindi makabayad ng monthly, pwede nilang itimbre sa Land Transportation Office.
Alam kong mahabang talakayan ito sa Kongreso para sa masusing pagpa-plano ang aking sushetiyon. Pero kung pagtutuunan ito ng ibayong pansin, palagay ko mas ok.
Attention Quezon City 3rd District Rep. Franz S. Pumaren, chair ng House of Representatives Committee on Transportation maari po bang ikonsidera ang suhestiyon na ito.
Maraming salamat po!