Advertisers

Advertisers

Dalagita ginahasa, pinatay ng padyak boy

0 19

Advertisers

GINAHASA at pinatay sa sakal ng driver ng tricycle ang kanyang 12-anyos na pasahero sa Barangay Singcang-Airport, Bacolod City, Biyernes ng gabi.
Sa ulat ng Bacolod City Police Officer-in-Charge, Captain Francis Depasucat, bandang 6:00 ng gabi ng Biernes nang madiskubre ang bangkay ng batang babae na walang saplot ng isang residente na napadaan sa nasa-bing lugar.
Agad namang nag­responde ang Bacolod City Polic at iprinoseso ang crime scene sa madamong bahagi ng Purok Saturn Venus, Brgy. Singcang-Airport na kinatagpuan ng bangkay.
Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang shorts at bestida ng biktima.
Base sa imbestigasyon, ang biktima ay iniulat na nawawala simula pa Miyerkules, Nob-yembre 25, at huli siyang nakitang sumakay sa isang tricycle na minamaneho ng suspek na kinilala sa alyas “Herbert”.
Sa follow-up operation ng pulisya, naaresto ang tricycle driver na dinala sa himpilan ng pulisya, at sa interoga-syon ay inamin nito ang krimen.
Ayon naman sa kapitbahay ng suspek, inamin ng huli na pinatay niya sa sakal ang bata matapos gawan ng kahalayan.