Advertisers

Advertisers

2 online sellers ng ‘damo’ timbog sa Quezon City

0 391

Advertisers

ARESTADO ang dalawang lalaki na online sellers ng pinatuyong dahon ng marijuana sa drug busy bust operation sa Novaliches, Quezon city.
Kinilala ang mga naaresto na sina Jericho Rivera, 24 anyos, call center agent, ng Casiñas st, Barangay Santa Lucia, San Juan City; at Leo Bermudez, Jr., 25, ng 29 Diego Silang St., Brgy. Sta. Lucia.
Isinagawa ang buy-bust ng pinagsabib na puwersa ng SDEU ng PS-11 (Galas) at SDEU PS-5 (Fairview).
Sa report, naaresto ang mga suspek 10:45 Huwebes ng gabi, February 25, sa 29 Diego Silang St..
Nasamsam sa mga ito ang 9 pirasong transparent plastic wrap ng pinatuyong dahon ng marijuana nasa 6.5 kilos na nagkakahalaga ng P780.000 at plastic ziplock color gold naglalaman ng high grade marijuana leaves ( kush) na 5 grams at nagkakahalaga ng P7,500.
Ang mga nasamsam na droga ay ibinebenta ng online sa mga call center agent.(Boy Celario)