Advertisers

Advertisers

3 lalaki niratrat habang naglalakad: 2 todas

0 262

Advertisers

PATAY ang dalawang lalaki at isa ang nasugatan nang pagbabarilin ng apat na lalaki habang naglalakad sa Antipolo City, Miyerkules ng gabi.
Kinilala ang mga nasawi na sina Romualdo Fernandez at Efren Cabasbas, sugatan ang isang Joey Dagalea.
Arestado naman ang mga itinuturong salarin na sina Eustaquio Flohimon, 52; Benidictson Bon, 23; Adrian Miranda, 39; JayAr Arasa, 35; at Sally Misola.
Sa ulat, 9:30 ng gabi habang naglalakad ang mga biktima pauwi sa Sitio Abuyod, Brgy. San Jose nang pagbabarilin na agad ikinamatay nina Fernandez at Cabasbas.
Inaalam pa ng pulisya ang motibo ng pamamaril.