Advertisers

Advertisers

LADY COP NG CAGAYAN MISSING!

0 670

Advertisers

BAGUIO CITY – Nawawala ang 40-anyos na babaeng pulis sa lungsod ng Baguio.
Ito ay si Master Sergeant Jovelyn Pagaduan Camangeg ng Centro 2, nakadestino sa bayan ng Lasam
Sa ulat, huling nakita si Camangeg 5:00 ng umaga noong February 18 patungo sa Tuguegarao City, Cagayan para mag-loan at kunin ang kanyang inorder na slimming coffee.
Ayon sa Lasam­Police, sakay si Camangeg ng kanyang orange Toyota Wigo na may plate number BA 1788 at nakasuot ito ng maong pants at olive green shirt na may tatak na pulis.
Inatas na ni Cagayan Valley Police director Brig. Gen. Crizaldo Nieves ang malalimang imbestigasyon sa pagkawala ni Camangeg, na sumasailalim sa virtual seminar tungkol sa Integrated Transformation Program (ITP) mula February 11 – 17, 2021 sa pamamagitan ng Zoom.
Ayon sa kapatid ng pulis, sinubukan niyang tawagan ang cellphone ni Camangeg, subali’t walang sumasagot at nasa out of coverage.