Advertisers

Advertisers

Sec. Roque nagpositibo sa COVID-19

0 425

Advertisers

INANUNSYO ni Presidential spokesman Harry Roque na nagpositibo siya sa COVID-19.
“Magandang tanghali, talagang tumataas ang mga aktibong kaso ng COVID, may report na 4,899 na mga bagong kaso, at bukas sa magiging report na case ng DoH, magiging kasama na po ang inyong abang lingkod kasi as of 11:29, nakuha ko po ang resulta na positibo po ako ng COVID,” pahayag ni Roque sa kanyang virtual briefing ngayong Lunes, Marso 15.
Ibinahagi ni Roque na nag-negatibo siya noong Marso 10, isang araw bago ang pagsama niya sa official speaking engagement ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Dumaguete.
Nitong Linggo, ay muli siyang sumailalim sa COVID-19 test at nitong Lunes, Marso 15 lumabas ang resulta.
Iginiit ni Roque na hindi siya lumapit kay Pangulong Duterte sa Dumaguete at istrikto ang kanyang pagsunod sa minimum health protocols.
Dahil siya ay asymptomatic, mag-isolate lang siya at patuloy niyang gagampanan ang kanyang trabaho sa isang isolation facility. (Vanz Fernandez)