Advertisers
MAKARAAN ang dalawang sunod na araw na pagbaba sa bilang ng kaso ng coronavirus disease sa bansa ay muli na naman itong sumirit pataas matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 11,429 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Huwebes, Abril 15.
Samantala ay mayroon namang naitalang 856 na gumaling at 148 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 20.3% (183,527) ang aktibong kaso, 78.0% (705,164) na ang gumaling, at 1.72% (15,594) ang namatay.
Samantala, mayroong 24 duplicates na inalis sa total case counts kung saan 10 rito ang recoveries at isa ang pumanaw.
Mayroon ding 68 kaso na na-tag bilang recoveries ang na-reclassified bilang pumanaw matapos itong i-validate.
Hindi naman nawawala ang ilang mga COVID-19 licensed laboratories na bigong makapagsumite ng kanilang mga datos na ayon sa DOH ay nasa pitong (7) laboratoryo. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)