Advertisers
UMABOT na sa 997,523 ang kabuuang kaso ng COVID-19 matapos makapagtala pa ang Department of Health (DOH) ng 8,162 na bagong kaso nitong Linggo, Abril 25.
Nakapagtala naman ng 20,509 recoveries sa pamamagitan ng Oplan Recovery kung saan ang kabuuan ng gumagaling ngayon sa sakit sa bansa ay umabot na sa 903,665.
Nasa 109 naman ang naitalang namatay dahilan para maging 16,783 na ang namamatay sa naturang sakit.
Ang aktibong kaso naman ay nasa 77,075 na lamang kung saan nasa 96.5% ang mild at 1.5% asymptomatic cases.
Tungo sa ating kaligtasan sinabi ng DOH na ang mahigpit na pagsunod sa public health standards ang nanatiling pinakamabisang paraan upang maiwasan ang pagkalat ng virus.
Para naman sa mga nakakaramdam ng sintomas ng COVID-19, agad na makipag-ugnayan sa barangay health center o sa COVID referral center. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)