Advertisers
PINAGBAWALAN nang magbigay ng komento ukol sa community pantry ang mga tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na sina Lt. Gen. Antonio Parlade Jr., at Lorrai ne Badoy.
Sinabi ni National Security Adviser at chair ng task force na si Hermogenes Esperon Jr., ito’y sa bisa ng isang gag order o ang pagbabawal na pagkokomento.
Giit pa ni Esperon, ito’y para na rin matanggal ang pagkalito ng publiko ukol sa ginagawang bayanihan ng iba’t ibang grupo.
Gayunman ipinagtanggol ni Esperon sina Parlade at Badoy at sinabing may mga sarili itong mga bayanihan projects sa kani-kanilang mga lugar. (Josephine Patricio)