Advertisers

Advertisers

NCR POSIBLE IBABA NA SA GCQ

0 257

Advertisers

PANATAG ang pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ibababa na sa General Community Quarantine (GCQ) ang National Capital Region (NCR) sa Mayo 1.

Binigyan-diin ni MMDA Chairman Benhur Abalos na kung magpatuloy ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa NCR, posibleng ilagay na sa GCQ ang NCR.

Saad pa ni Abalos, na bumagal na ang growth rate ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila na umaabot na lamang ngayon sa 5% simula March 31 hanggang April 17, na mula sa dating 164% noong February 28 hanggang March 7.



Giit pa ni Abalos, na karamihan din sa mga lokal na pamahalaan sa NCR ay nakapagtala na ng pagbaba ng COVID-19 cases sa kani-kanilang mga bisinidad.

Sa nagdaang 7 araw o isang linggo, patuloy ang pagbaba ng bilang ng COVID cases sa kamaynilaan at tiwala ito na luluwag o made-decongest na ang mga ospital o pagamutan dito. (Josephine Patricio)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">