Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
TODO ang pagdedenay ng Kapuso actress na si Heart Evangelista na sumailalim siya sa pagpaparetoke ng ilong.
Isa kasing netizen ang nagkomento na magpapaayos siya ng ilong at ang gagawa umano ng nose job niya ay ang naging surgeon ng fashion icon.
“The doctor who did Heart Evangelista’s nose is going to do mine. I’m so excited,” sey ng netizen.
Agad naman itong inalmahan ni Heart at naghamon pa na pangalanan ng netizen ang doctor dahil sigurado umano siyang hindi ipinaayos ang kanyang ilong.
“Who is this doctor because I can actually tell him I didn’t do my nose and he is lying to you. Please give me the name. You can actually sue him for lying to you,” paghahamon ni Heart.
Gayunpaman, nilinaw ni Heart na para sa kanya ay hindi naman mali kung naisin ng isang tao na magpaayos ng kahit anong parte ng kanyang katawan.
Dagdag pa ni Heart, nasa pangalawang araw siya ng kanyang cleansing kaya mainit ang ulo niya at papatol siya.
“Mainit ulo ko kasi day 2 ako ng cleanse. So I will to eat patola. Clinking glasses anyway take care people sorry I’ve been a bit absent I promise I’ll be sending more dms soon,” paliwanag niya.
Nagbigay pa siya ng babala tungkol sa pagpapakalat ng ganoong klaseng maling impormasyon.
“To anyone who claimed the same to you pls message me their names. This is horribly wrong. To lie to you about this is just so so wrong . I’d rather a rumor then someone actually claiming they did my nose ( I did not ),”pagtatapos niya.
Kamakailan ay naging usap-usapan si Heart nang ibahagi niya ang samahan ng kanyang ama at asawang si Chiz.
Sa kanyang vlog, tahasang tinanong ni Heart ang ama kung ano ang pinag-awayan nila noon ng kanyang mister kaya hindi ito sumipot sa kanilang kasal.
Sagot naman ng kanyang ama, wala silang pinag-awayan ng Sorsogon governor.
Katunayan, nanghihinayang siya sa panahon na nasayang dahil dapat daw ay noon pa sila nagkabati.
Sa isa namang vlog, binisita ni Heart ang kanyang ama na noon ay nagpapagawa ng kanyang bahay sa Kabikulan.