Advertisers

Advertisers

Kelvin ang daming sinugal para sa pangarap; Sharon binunyag ang sekreto ng pagtagal sa showbiz

0 280

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

SA guesting ni Kelvin Miranda sa radio show ni  Mama Belle na Sikat sa LS97.1 kamakailan, tinanong ng huli ang una kung ano ang pagkakaiba at pagkakapareho ni Kelvin sa character niya bilang si Chef Harvey sa katatapos lang na serye nilang The Lost Recipe.

Sabi ni Kelvin, “Sa palagay ko po ‘yung pagiging pursigido, desidido sa mga bagay na gusto niya talagang makuha lalo sa mga pangarap niya. Kasi, ang dami niyang sinugal, ang dami niyang sinacrifice para sa mga pangarap niya. Kahit na alam niyang medyo alanganin at napapasama siya, sinugal niya yung sarili niya, actually. Nawala yung pamilya niya. Nawala yung kuya niya dahil sa mga desisyon na ginawa niya.”



Sino ang gusto niyang ipagluto bilang chef sa The Lost Recipe?

“Gusto kong ipagluto yung mga fans ko.  At yung lahat ng mga sumuporta sa The Lost Recipe. Para matikman nila yung luto ni Chef Harvey.”



Si Mikee Quintos ang kapareha ni Kelvin sa The Lost Recipe. May follow-up project na ba sila after ng kanilang sucessful show?

“Sa project, wala pa kaming balita. Nagpapahinga po muna kami ngayon. Sana mabigyan uli kami ng chance ng nasa itaas (GMA 7 management)  para magpasaya ng mga manonood.”



Ang naging themesong ng The Lost Recipe ay Two Of A Kind, na sina Kelvin at Mikee mismo ang kumanta. Mapakikinggan ito sa lahat ng digital platfiorm. Tuluy-tuloy na rin ba ang pagiging singer niya?

“Kung kakagatin tayo, bakit hindi,’di ba?” sagot ni Kelvin.

***

FORTY years na sa showbiz ang Megastar na si Sharon Cuneta pero nananatili pa rin siyang aktibo sa kanyang career.  Hindi siya nawawalan ng trabaho, both sa TV at pelikula.

Sa interview ni Sharon sa Anong Ganap? ng Viva, tinanong siya kung anong sekreto ng kayang longevity sa show business.

Sabi niya, “I don’t know what the secret is to longevity but I think in this business, I think I just have a real passion for my craft. For everything I do, acting, singing, hosting, anything. I love making people happy. I think that’s it.”

Dagdag pa ni Sharon, sadyang mahal niya ang kanyang profession kaya minahal din siya nito.

“And siyempre being able to express myself creatively, exercise my creative juices, celebrate and let them flow. And saka ‘yung may lisensiya ka to be someone else every now and then sa iba’t ibang roles na ginagampanan mo. Parang ah dito pwede akong magwala ng konti kasi hindi naman ako ito. Alam naman ng tao na role lang ito. So, sa akin it’s really devotion.”