Advertisers
Ni WALLY PERALTA
MUKHANG nakuha ulit nina Ellen Adarna at Derek Ramsay ang atensyon ng mga netizen nang ipost ni Ellen ang collage ng mga larawan nila habang naglalampungan sa buhanginan ng isang beach.
Lalo pa itong pinag-usapan nang mag-comment pa si Derek sa naturang mga litrato nila sa beach ng ‘grrrrrrrr’.
Ang naturang wild comment ni Derek sa post ng dyowang si Ellen ay nag-trending at ‘pinatulan’ pa ng mga netizen. Ilan sa mga komento sa comment ni Derek, “ang wild ng reaction! Grrrrr..”
“gigil yern!!”
“grabeeeeee na toooohhhh!!!”
“gigil na yan oh”
Kamakailan lang ay nag-trending at pinag-usapan din ang latest sexy photos ni Andrea Torres. Ika nga, the more sexy pics, the merrier.
***
MASAYA ang lovelife ngayon ni Julia Barretto sa piling ng kanyang boypren na si Gerald Anderson. Sa katunayan, sa huling panayam sa dalaga na in five years time ay nakikita niya ang sarili na namumuhay nang simple at tahimik kasama ang kanyang magiging pamilya.
At ang panayam ay sa mismong vlogsite ni Gerald nang tanungin siya nito kung ano ang vision ng dalaga sa sarili 5 t0 10 years from now.
At nang makapanayam din si Julia sa ibang blogsite ay natanong ang young actress kung ano ang mapapayo nito sa dating boypren na si Joshua Garcia pagdating sa lovelife?
“Joshua, ‘wag ka muna mag-girlfriend. Mag-concentrate ka sa trabaho mo,” saad ni Julia.
Ang nangyari tuloy ay tila lumalabas na habang masaya si Julia sa kanyang buhay-pag-ibig ay nganga naman ang aktor.
“Yung pagiging magkaibigan namin ni Joshua is at its best. We’re very, very good friends.'”
Aniya pa nakita kasi ni Julia kung gaano ka-passionate ang kaibigan sa trabaho nito and very much driven as an actor. Kaya payo nga niya kay Joshua na maging single na muna at tumutok sa kanyang karir.